Thursday, June 18, 2009

Minsan, Kadalasan

Isang tula na ginawa ko para sa aking matalik na kaibigan...

Minsan, Kadalasan

Minsan nagaaway tayo,
Minsan mainit ang ulo natin,
Kadalasan nagkakabati rin tayo,
Kadalasan lumalamig din ang ulo natin,
Minsan nagkakainisan tayo,
Minsan nagkakasakitan tayo,
Kadalasan nagkakapasensyahan rin tayo,
Kadalasan nagkaka "sorryhan" din tayo,
Pero alam mo ang paborito ko?
Ang paggawa ng simpleng tula,
Para sa isang kaibigang katulad mo...